0
0
0
0
Oo! Dalangin namin ang inyong kumpirmasyon hanggang sa Disyembre 13, 2024 upang mailagay sa pinal na listahan ng mga dadalo sa aming pag-iisang dibdib.
Mayroon po kaming inalaan na isang (1) upuan para sa iyo. Gustuhin man naming maisama kayong lahat, limitado lamang ang bilang ng bisita na makakasamasa aming pag-iisang dibdib. Hiling namin ang inyong malawak na pang-unawa na tanging mga pinakamalalapit lamang sa aming puso ang aming makasama para sa mahalagang araw na ito.
Dalangin namin na makasama ka at maging saksi sa aming pag-iisang dibdib ngunit may mga pagkakataon na hindi natin kontrolado ang panahon at pagkakataon. Kung sakali man na hindi makadadalo, mangyari lamang na magsabi nang maaga o limang (5) araw bago ang kasal. Hangad namin ang inyong kaligtasan at ikabubuti sa araw na iyon!
Pauna na ang aming pasasalamat sa inyong kagustuhan na makapunta sa pagdiriwang ng aming pag-iisang dibdib. Ngayon pa lamang, humihingi na kami ng paumanhin na hindi po kayo papayagang makadalo sa mismong salu-salo sa aming kasal dahil tanging ang mga na nakapag-RSVP LAMANG ang papayagan na makiisa sa pagdiriwang.
Patnubay lamang po ito sa inyong maaaring isuot sa araw ng aming kasal.
Mainam na isuot ang tingin ninyong mas komportable at naaayon kulay at tema sa isasagawang pagdiriwang. Hiling namin na iwasang magsuot ng tsinelas at mga de-gomang sapatos (crocs/ hovergliders). Maaaring magdala ng inyong pamaypay at/o e-fan lalo sa simbahan.
Kalalakihan: Barong/Kamisa De Chino/Polo Barong, Trouser/Itim na Pantalon at Itim na Sapatos
Kababaihan:
Modernong Filipiniana o Barong/Puff sleeves na bistida/Alampay, Palda/Trouser at Sapatos/Sandalya
O kahit anong semi-pormal na kasuotang Filipino na angkop sa tema ng aming pag-iisang dibdib.
Nais sana naming hilingin ang hindi pagsusuot ng kahit anong bagay o abubot na kulay itim, maliban na lamang sa slacks o pantalon at sapatos para sa kalalakihan.
Magsisimula ang seremonya sa ganap na ika-3 ng hapon. Mangyari lamang na makarating sa simbahan 30 minuto o 45 minuto bago magsimula ang seremonya.
Upang masaksihan ang kabanalan ng seremonya, hiling namin ang iyong maagang pagpunta dahil mahigpit na ipanapaala ng pamunuan ng simbahan na sakto impunto magsisimula ang seremonya, naroon man kayo o wala.
Mayroong nakalaan na upuan para sa iyo sa mismong lugar ng salu-salo (reception). Upang mas makilala at makapalagayan mo ng loob ang mga kasama sa pagdiriwang.
Maaaring magtanong sa aming mga coordinator para malaman kung saan ka uupo.
Gustuhin man namin na isama ang inyong anak/kakilala/kamag-anak, ngunit ang aming kasal ay para lamang sa mga imbitado at nakapag-RSVP.
Humihingi po kami ng paumanhin kung sila man ay hindi mapapayagan na makapunta sa mismong salu-salo (reception)
Mayroon kaming mahuhusay at magagaling na tagakuha ng larawan kaya hinihiling namin na iwasan ang paggamit ng cellphone upang madama ng bawat isa ang nag-uumapaw na kagalakan at pagmamahal sa pagdiriwang.
Makiisa sa seremonya ng kasal sa simbahan
Sumagot sa RSVP
Sundin ang nakatakdang oras ng pagpunta sa simbahan at salu-salo.
Iayon ang kasuotan sa nakatakdang tema at kulay ng pagdiriwang.
Hangad namin ang isang daang porsyentong pakikiisa at pakikilahok sa mga inihandang gawain/laro para sa ikasasaya ng lahat mula simula hanggang wakas ng pagdiriwang.